ANG TUNAY NA IGLESIA ROMA 16:16



Gagamitin ko ang wikang tagalog sapagkat ito ang ginagamit sa loob ng kapilya
     "sumasamba kami na gumagamit nang malalim na salita" - Myembro ng Iglesia Ni Cristo

Madami ang Myembro ng Iglesia Ni Cristo ang galing sa pagiging Katoliko na may mababaw na pananampalataya. Bago nating pagusapan ang Roma 16:16 o ang Tunay na Iglesia. ang mga katnungan muna:

Bakit ba paniwalang paniwala ang INC kay Felix Manalo, Eraño Manalo, at ngayon kay Eduardo Manalo?

     "Bakit hindi kami maniniwala? eh yan ang Sugo ng Diyos! sa huling panahon, yan ang anghel na itinalaga ng Diyos! para ibangon muli ang tunay na Iglesia Ni Cristo!' - Myembro ng INC

Samakatuwid, lahat ng INC ay naniniwala na si Felix Manalo ang tunay na Sugo ng Diyos.

Bago tayo dumako sa usapang tunay na Iglesia ni Cristo (Roma 16:16). Sino muna si Felix Manalo?

ang kapatid nating nasa INC ay hindi naniniwala na sila ang tunay na Iglesia dahil sa sulat ni San Pablo Apostol sa mga taga Roma. Naniniwala sila na sila ang tunay na Iglesia dahil kay Felix Manalo na siya ang Sugo sa huling panahon! Si Felix Manalo ang anghel na sugo ng Diyos.  Para itayo muli ang iglesia ng TUMALIKOD ng namatay ang huling apostol.

Dumako na tayo sa kanilang basehan ng Tunay na Iglesia (Apocalypsis 7:1-3; o kaya Apocalypsis 7:2)

Si Felix Manalo ba ang tinutukoy sa Apocalypsis? Ang INC ba na tatag ni ka-Felix ang tinutukoy sa sulat ni San Pablo Apostol sa mga taga Roma?

mga kapatid na Iglesia basahing mabuti, dahil masasagot na ang tunay niyong turo, malalaman niyo na ang tinutukoy sa ROMA 16:16

Ayaw ni Ka-Felix nang masungit na Pari dahil sa panahong iyon, 100% ng Pilipinas ay Katoliko, nang dumating ang mga Amerikano sa bansa, natalo ang Espanyol duon maraming Protestante ang dumating. Nagpalipat lipat siya ng Relihiyon, pagktapos noon, litong lito siya. Nawalan siya ng pananampalataya sa Diyos. 


Philippine Free Press Feb 11, 1950  Page 2
Si Felix ba ang tunay na tinutukoy sa Apocalypsis 7?
Basahin natin sa Lamsa Version na ginamit ni ka-Felix at mapahanggang ngayon

 Mula sa Pahayag o Apocalypsis 7
1At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy. 2At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, 3Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.
naunawaan niyo ba? hindi diba? kasi lahat ng libro sa bibliya ang Apocalypsis ang pinaka mahirap intindihin. Magaling si Ka-Felix, Dahil kumuha siya ng talata o titulo ay sa aklat na mahirap ipaliwanag. Ang aklat ng Apocalypsis.

sa aklat na ito, si ka-Felix kumuha ng bersikulo upang maging karapatdapat siya magpahayag ng salita ng Diyos. Ang mga susunod na paliwanag ay turo ni Felix Manalo hanggang 1960

BAKIT HANGGANG 1960 LANG? NAG-IBA PALIWANAG NG INC MINISTERS. BAKIT ALAM KO? DAHIL MARAMI AKONG KAIBIGAN NA KAPATID SA IGLESIA. ITO ANG PALIWANAG NI FELIX NOONG 1914-1960

Apolalypsis 7:1


1At pagkatapos 

Ang sabi ni Felix Manalo, ang kaganapan ng Propesiya, ay mangyayari lamang kapag nangyari na ito. Ang ito ay kaganapan ay mga kaganapan ng pang-anim na selyo sa pitong selyo sa panahon na nahahati mula sa pagakyat ni kristo sa langit hanggang sa muli niyong pagbabalik! ang pangyayari nito ay sinilarawan sa Apocalypsis 12:13.

Dinugtung ni Felix ang Apocalypsis 6:12- 13. sa ito tingnan natin mga kapatid


12 Nang alisin ng Kordero ang pang-anim na selyo, lumindol nang malakas, ang araw ay nagdilim na kasing itim ng damit panluksa at ang buwan ay naging kasimpula ng dugo. 13 Ang mga bituin sa langit ay nahulog sa lupa katulad ng pagkahulog ng mga bubot na bunga ng punong igos kung inuuga ng isang napakalakas na hangin.


sa paglalarawan, may lindol, nagdilim, nalaglag ang bituin sa langit.

ito paliwanag ni Felix Manalo.

Ano ba yung Lindol na sinasabi sa Apocalypsis Dose Trese?
Yung Lindol daw nung, apatnapu't libo ang namatay November 1, 1755
Pagdilim ng Araw at buwan naging parang dugo May 19, 1780 
Pagbagsak ng Bulalakaw, na nakita sa north america, new mexico at isla ng Jamaica noong November 14, 1833

Yan ang Paliwanag ni Felix Para maisakatuparan ang sinabi sa Apocalypsis 7:1 

Ito ang sumunod,

"nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng Daigdig. Pinipigil nila ang apat na hangin ng lupa upang walang hanging makaihip sa lupa o sa dagat o sa anumang punong-kahoy."

Paliwanag ni Felix
Yung Hangin daw ay Digmaan? Yung apat na Sulok ng Daigig kung saan nagsimula ang Digmaan at yung Digmaan na yun ay ang World War I na nagsimula noong 1914 to 1918

Apat na Anghel, ito apliwanag ni Felix. Sino ito?
ayon kay Felix:

  1.  Loyd Gorge, Prime Minister ng United Kingdom
  2.  Clémenceau, President ng France
  3. Orlando, Premiere ng Italy
  4. Woodrow Wilson, President ng USA
Ito ang paliwanag ni Felix Manalo noong panahon na iyon noong 1914. Sabi ni Felix Manalo yung apat na tao na nabanggit ay sila ang gumawa ng Treaty of Peace para matapos ang Digmaan. Pagkatapos nito, may pinagpatuloy ni Felix ang kanyang Paliwanag

Apocalispsis 7:2

 2 At nakita ko ang isa pang anghel na pumapaitaas mula sa sinisilangan ng araw. Nasa kaniya ang pantatatak ng Diyos. Siya ay sumigaw ng isang malakas na tinig at nagsalita sa apat na mga anghel na binigyan ng kapangyarihan upang saktan ang lupa at ang dagat.

sabi ni Felix, may apat na anghel, si Loyd George, Clemenseau, Orlando at Woodrow Wilson. At MAY ISA PANG ANGHEL ito ay anghel na hindi Espirituwal, kundi isang anghel na SINUGO NG DIYOS na binigyan ng gawain upang mamahayag ng salita ng Diyos. Sabi pa niya na ang PANTATAK NG DIYOS ay ang turo at aral ng SUGO at ang SUGO na yun ay si FELIX MANALO na nasimulang mangaral noong 1914 sa pasimula rin ng unang Digmaang pandaigdig at nagtatag na muli ng IGLESIA NI CRISTO na sinira at WINASAK ng IGLESIA APOSTOLIKA ROMANA KATOLIKA! (PASUGO, 1953 page 36-40)


Comments